Monday, July 6, 2009

Mga Link

Sa ngayon halos malapit ng matapos ang forum site ng Takhisis Faction na ginawa ni MisztahYoszo para hindi mahirapan ang faction sa pagbibigay impormasyon sa mga myembro nito. Kung gusto nyong makita ang forums ng Takhisis Faction pwede ninyong makita ito sa LINK na ito.

Ang pangalawa naman ay ang home page ng Takhisis Faction na gawa naman ni Falzar. Sa ngayon gumagawa pa kami ng paraan para mas maiksi ang url dahil mahirap itong kabisaduhin. Pero sa ngayon di na muna namin ibabahagi ang home page na ito dahil ito ay patuloy pa ding ginagawa. Sa mga myembro na nakakabasa nito, pwede na kayong magregister sa faction forums para makita ninyo mga balita sa ating faction. Ang blog na ito ay magsisilbing sulyap sa mga balita at ang mas detalye at napapaloob lahat sa forums ng Takhisis Faction. Hanggang sa muli!

Sunday, July 5, 2009

Mga i-scammer

Dalawang beses na kaming pinapasukan ng mga scammer sa faction. Madalas ang ginagawa nila eh sasali sa amin pagkatapos tsaka sila mang-scam ng gamit sa ibang manlalaro ng ibang faction. Sa totoo lang di na namin nagugustuhan ang ganitong klaseng modus operandi ng mga hitik na scammers na ito. Kaya napagiisipan na namin na maghigpit ng pagpasok ng bagong mga myembro. Ayaw din naming maabala sa mga walang magawa sa buhay. Ika nga nila sa mga scammers "Yaya, your such a loser". At sumasangayon kami sa mga salitang ito.

Para sa inyong impormasyon ilalagay na namin ang dalawang myembro na pumasok sa aming faction at kung anung ginawa nila. Una si LaArgentina na nangscam ng mercenary card sa isang myembro naman ng Millenion Faction. At ang latest si punane na nangscam nanaman ng mercenary card sa isang myembro naman ng ™ Faction.

Sa mga mahilig magbroad na sinasama ang pangalan ng Takhisis Faction, wala kayong karapatang idawit ang pangalan ng faction namin sa kalokohan ng mga ito. Ang masasabi ko lang, di kayo marunong magingat sa mga items na binibigay nyo. Kaya marapat na sisihin nyo rin sarili nyo.

Wednesday, July 1, 2009

Dumadami ang numero

Habang tumatagal medyo nahihirapan na kaming magasikaso ng myembro dahil nga dapat ang mga raids ay tuloy tuloy. Sa ngayon ang pokus ng Takhisis ay puro Team Arena at Chateau Raid. Iniisip din ng mga konseho na ibalik ang Gate of Fire para mas mabilis ang bigayan ng gamit sa mga myembro nito.

Sa ngayon pinalalakas namin ang konseho at inaalalayan ang mga myembro ng Takhisis at inaayos ang sistema sa bigayan ng gamit. Kasabay nito naghahanap kami ng mga bagong myembro para lalo pang lumakas ang aming grupo.